Wednesday, May 29, 2013

Pseudo Relationship





“Eto yung parang kayo pero hindi" type of relation. NO COMMITMENT involved kumbaga. Parang MU(mutual understanding). Walang nanliligaw at walang sinasagot.  Pero the way na i.treat niyo ang isa't isa parang magsyota, na tingin ng mga tao eh "kayo". Hindi mo sigurado kung ano siya sayo at kung ano ka rin sakanya. Hindi ka pwedeng umasa na nandyan siya palagi sa tabi mo dahil walang kayo.



Hindi ka pwedeng magselos.

Hindi mo siya pwedeng pagbawalan.
Hindi mo pwedeng kunin ang oras niya kung gugustuhin mo dahil hindi mo ito pag-aari.



Parang naglalaro lang kayo. Anytime pwede mo siyang iwan kasi nagsasawa kana, syempre ganon din siya sayo. Ang relasyong ito ay walang kasiguraduhan. Pag ito pinasok mo dapat sigurado ka sa nararamdaman mo AT mararamdaman mo. BAWAL din MAFALL.. Hindi ka pwedeng magdemand. Hindi ka pwedeng magalit kasi may ibang kausap o katext siya. You have no right to be jealous. Matuto kang lumugar. HINDI KA SYOTA.



Ang ganitong relasyon ay parang "kayo" kaso nga HINDI. Kung papasukin mo ang ganitong relasyon, sa una palang itatak mo na sa isip mong WAG mag expect para walang disappointments. Maaring meron ngang "LOVE" pero walang label ang relasyon niyo. There are no guarantees..






--MLOH

No comments:

Post a Comment