Thursday, May 30, 2013

When we should Love AGAIN?




Masasaktan at masasaktan ka talaga.
At kapag nasaktan ka, wag ka ng mang damay ng iba.


May mga taong hirap magmove on.
Kahit anong bagay gagawin para makamove on agad agad.
Pero hindi natin naisip na hindi ganon kadali ang pagmomove on.
It takes time para maghilom ang sugat.
Kaya dapat hindi natin ito minamadali.


Ang iba gagawa ng mga bagay na akala nila makakabawas sa sakit na nararamdaman nila. Maghahanap ng taong magmamahal sakanila o di kaya matututunan din nilang mahalin, dahil malungkot sila at naghahanap ng atensyon.

Paano kapag yung taong yun eh akala niya mahal mo na rin siya?
Pero ikaw hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo dahil nasa moving on stage ka palang.
Dahil dun may masasaktan nanaman. Dalawa na kayo ang masasaktan.

Kaya nga kung magmamahal tayo ulit dapat yung handa na tayo. Hindi dahil malungkot tayo at naghahanap ng atensyon ng iba.


--MLOH

Love is seeing an imperfect person PERFECTLY.



Naniniwala rin ba kayo dito?

Kapag nagmamahal tayo,
Hindi ito binabasi sa pisikal na anyo ng isang tao at hindi rin minsan sa panloob na anyo nito. Nagmamahal tayo hindi lang dahil mayaman siya, may itsura o dahil masaya siyang kasama. Nagmamahal tayo dahil rin tanggap natin kung anong wala sakanya. Tanggap natin na hindi siya perpekto.


Hindi pagmamahal yan kapag gusto mo siya gwapo/maganda siya.
Hindi pagmamahal yan kapag nagustuhan mo siya dahil marami siyang pera.
Hindi rin pagmamahal yan kapag nagustuhan mo siya dahil sexy/macho siya.


Oo nga't may itsura, sexy, at mayaman siya pero sigurado ka bang pagmamahal na ang tawag dyan?
Lahat ng tao ay hindi perpekto, kaya malalaman mo na nagmamahal ka kapag pati ang mga depekto sakanya ay tanggap mo at mamahalin mo rin.

Yan ang tinatawag na LOVE.
Loving a person is accepting everything about her/him including his/her flaws.


--MLOH

Wednesday, May 29, 2013

Pseudo Relationship





“Eto yung parang kayo pero hindi" type of relation. NO COMMITMENT involved kumbaga. Parang MU(mutual understanding). Walang nanliligaw at walang sinasagot.  Pero the way na i.treat niyo ang isa't isa parang magsyota, na tingin ng mga tao eh "kayo". Hindi mo sigurado kung ano siya sayo at kung ano ka rin sakanya. Hindi ka pwedeng umasa na nandyan siya palagi sa tabi mo dahil walang kayo.



Hindi ka pwedeng magselos.

Hindi mo siya pwedeng pagbawalan.
Hindi mo pwedeng kunin ang oras niya kung gugustuhin mo dahil hindi mo ito pag-aari.



Parang naglalaro lang kayo. Anytime pwede mo siyang iwan kasi nagsasawa kana, syempre ganon din siya sayo. Ang relasyong ito ay walang kasiguraduhan. Pag ito pinasok mo dapat sigurado ka sa nararamdaman mo AT mararamdaman mo. BAWAL din MAFALL.. Hindi ka pwedeng magdemand. Hindi ka pwedeng magalit kasi may ibang kausap o katext siya. You have no right to be jealous. Matuto kang lumugar. HINDI KA SYOTA.



Ang ganitong relasyon ay parang "kayo" kaso nga HINDI. Kung papasukin mo ang ganitong relasyon, sa una palang itatak mo na sa isip mong WAG mag expect para walang disappointments. Maaring meron ngang "LOVE" pero walang label ang relasyon niyo. There are no guarantees..






--MLOH

Fling!



"Sabi naman sayo, eh. Wag kang maging sweet, wag kang maglambing. Tingnan mo tuloy ngayon. Kasalanan mo to, eh! Masasaktan na naman ako kasi mahal na kita, eh."




Ganito rin ba kayo? Nakakainis diba?

May mga tao kasing PAASA.
May mga taong PAFALL.

Lalambingin at kapag nahulog ka na sakanya, hindi ka sasaluin.

Mga taong mahilig maglaro. Mag laro ng damdamin... Hindi nio naman siguro sila masisi diba? Kasi kasalanan din naman ng mga taong NAGPAPAFALL din.


Wag masyadong maniwala sa mg sweet words niya.

Konting pick-up lines lang, bumigay na.
Matamis ang dila eh. BOLERO/A.
Akala mo din kasi mahal ka na din niyan, hindi mo alam fling ka lang niya.
Pampalipas oras, laro-laro lang sakanya un.

Ingat ingat...



;)




--MLOH


Is HE the one? Is SHE the one?






Sana nga...


Sana nga meron talagang taong ganito.

Sana totoo to.
Sa lahat ng sakit na binigay ng MALING tao sa buhay mo, may isang taong darating para gamutin ang sugat na binigay nila sayo.
Sana totoo yung sinasabi ng iba na may tao talagang nakatadhana para sayo.
Sana may tao talagang darating at ipapakita sayo kung bakit dumaan lang SILA sa past mo at sinaktan ka.
Sana nga sa kabila ng sakit na dinanas mo, may kasiyahang darating.
Sana nga sa tagal ng paghihintay mo may darating din...

Sana....




Pero,











Aasa kaba?

Aasa ka bang may darating nga?
Paano kung wala?

Pano kung Umasa ka nga PERO walang dumating?





--MLOH

Nahuhulog kana sakanya, kahit........... hindi pwede.



Una palang alam mo na, hindi siya yung tipong magseseryoso. Siguro nga pwede, pero hindi sayo. Ang saklap lang hindi ba?


OO, nagkagusto ka sakanya pero hindi pa malala noon.
Siya kasi eh nagbibigay motibo. Ikaw din naman ito, Tatanga tanga kasi naniwala din naman. May warning na eh! May warning NA!!


"DANGER!"

"OPS! DONT GO THERE, YOUR HEART MAY BREAK."


"BAWAL MAINLOVE, NAKAKAMATAY!"



Pero ano? haaaay... Ang bulag talaga ni puso pati utak naidamay. Oh, ano ka ngayon ha? Iiyak iyak ka dyan.



Ganun kasi talaga. Mahuhulog at mahuhulog ka sakanya kahit hindi pwede. Makulit kasi yang puso, kahit anong pigil mo kung gusto niya dun, mapapasunod at mapapasunod ka rin niya sa gusto niya kahit pa una palang alam na ng utak mo na hindi pwede. Kahit pa alam mo na na masasaktan ka rin lang. Kasi nabubulag tayo. Nabubulag tayo kapag nagmamahal tayo.

Pero wag naman sanang BULAG kana nga TANGA kapa ulit! Ulit at ULIT?



Habang maaga pa, iwasan mo na.

Kung nasaktan kana, mag ingat kana sa susunod.



--MLOH

There's just something about that song that makes me smile...... or sad?




Alam mo ba yung pakiramdam ng may bigla kang naalalang tao dahil nagpatugtug ang lintik niyong kapitbahay ng favorite song, love song, o kaya kantang nagpapaalala sa inyong dalawa o sakanya.

Hindi mo naman maiiwasang maalala lalo na't ito ang theme song niyo hindi ba?.
Maaalala ang masasaya at pati na rin masasakit na pangyayari na nangyari sa inyo noon.


Eh yung nagpapatugtug ka pagkatapos, nag-iisip na ng malalim at maya-maya tutulo na ang luha mo. Naaalala mo nanaman hindi yung sakit pero yung mga magagandang alaala niyo dati.


O hindi kaya... Isang oras, naghahanap ka ng magandang kanta na pwede mong i.download sa cellphone mo tapos meron kang kantang nagustuhan dahil nakakarelate ka sa lyrics nito? Bakit? Dahil nanaman sakanya? Sa inyong dalawa?


At naranasan mo narin ba na kamuhian, magalit at HALOS isumpa mo na ang isang kanta dahil ulit sakanya? ANO BANG KASALANAN NG KANTANG 'YUN?! Sabihin mo nga? Pero totoo naman talaga, kahit walang kasalanan yung kantang yun, nasasaktan tayo dahil naalala natin ang masasayang araw natin kasama siya at dahil dun nalulungkot tayo dahil alam nating hindi na pwedeng ibalik at gawin ulit yun dahil wala na siya.



--MLOH